|
..u don't know who i am..
|
|
|
| bongga~ |
[14 Dec 2009|06:44pm] |
so yeah, may mga naisulat akong mga bagong kanta. medyo iba yung tema from my old songs, iba na kasi pananaw ko ngayon eh. which is good, kasi di dapat nagiging constant yung mga ganong tipo ng bagay eh. it should always be progressing and moving on to the next phase, diba? so yun, i wrote some songs, yung tatlo dun ay nasa first solo EP of sorts ko titled "Crude Demo Quality" aka CD Quality, and i had some positive feedbacks, yeah. that went kinda well. kaya eto, nagbabalak na naman ako ng isang malaking project. gusto ko gumawa ng bagong banda. and this time, ako na ang magiging bokalista. for real. dati puro attempts lang na tinigil ko halfway through the planning phase eh, pero ngayon tuloy na 'to. kaya binubuo ko na asap eh. bago mawala yung urgency.
wala pang band name, kasi para sakin, yun dapat yung huling pagiisipan tsaka dapat group effort na yun ng lahat members eh. they're gonna be in the band for a long time rin naman kaya dapat lang na may say sila dun. tsaka cmon. its just a name. maraming mas pressing matters kesa diyan like chemistry, song mastery, genre at pag-complement ng bawat instrument sa rest of the band to create the desired sound. so tsaka na yun. sino members? i won't tire myself again building bridges and planting relationship seeds with strangers para sa bandang 'to. lalo na kung andiyan naman si job tsaka si jinx who are both ready and willing to be my first members diba? job plays a mean bassline most of the time, with or without the help of some substances (haha, just had to include that.) and jinx is the most dedicated and hardworking musician i've ever had the pleasure of encountering. panalo pareho, it's hard to go wrong with these people in your band. swerte ko rin no? haha. ok lang, i'll make sure na swerte din naman sila sakin eh.
and this is where our major setback introduces itself. SINO ANG DRUMMER KO? takte. naturally, i never had to deal with this problem before because as you may know, and pardon me for stating the obvious ha... I MYSELF AM A DRUMMER kasi eh. kaya sakit ng ulo ko nung narealize ko yan. hahaha. sure, marami akong kaibigang drummer, birds of the same feather flock together ika nga, pero drummer ako na may banda eh. so malamang, lahat ng kaibigan kong drummers, may banda na rin. and yeah, may mga kaibigan din akong drummers na bakante. sure. andami kong kaibigan eh. pero being a drummer myself, i realized na an OK drummer won't cut it. dapat kung di ko singgaling, mas magaling sakin. yuuuun ang problema. ANG GALING KO KASI EH, hahaha. yung mga kaibigan kong drummer na bakante, may dahilan kung bakit bakante sila eh, ipyanowataymin, hahaha. pass tayo dun men. =)
so anyway, after much brain-racking on who's available right now and remembering how those available ones play, nai-narrow down ko naman sa ilan lang na mga indibidwal. first in my list is honeyboy. ako at siya ay dalawa sa tatlong estudyante lamang ng ust conservatory na percussions agad ang major mula nung pumasok pa lang. yng isa pa saming tatlo, si emil, drummer ng letter day story na sikat na ngayon. noong magkakasama kami, si honeyboy yung pinakamahusay pumalo samin. wala lang, hahaha.
another drummer in mind is lester from astral project. sa skills, he's just ok, unlike honeyboy na taas ang kamay ko sa bilib. pero lester's got youth on his side. ang laki ng potential niya and ang sarap isipin na siya yung drummer ko sa panahon na prime talaga niya. pero tulad ng sabi ko, drummer siya ng astral project. commitment issues yun. malalaman natin pag natanong ko na siya, hehe.
another choice is miko, one of bjone's classmates from elementary and currently playing with job and 2 ex-bandmates of mine in STD. but like lester, he's also committed already. but he's also up there between lester and honeyboy when it comes down to beating the drums.
and.... that's about it. only three drummers in my list, and only having lester's number on my phonebook. this is going to be interesting, hahaha.
wish me luck and i'll post developments if there'll be any. good day to all. ^_^
|
|
| ang tuta |
[10 Dec 2009|04:21pm] |
| [ |
mood |
| |
okay |
] |
tulad ng alam na ng nakararami sa mga kakilala ko, nagkaroon dito sa bahay ng bagong dagdag sa pamilya namin. isang female black labrador retriever pup. ako ang umako ng resposibilidad na alagaan siya at palakihin ng maayos. pinangalanan namin siyang "Eva".
nagulat ako. di ko akalaing ganito pala kagulo ang tutang labrador. parang bawat malilingat ako, may gagawin siyang di kaaya-aya. hilig pa naman niya yung mga bagay na talagang madumi tulad ng takip ng drain sa banyo, mga iba't ibang brush na malay ko kung saan niya nakukuha at kung anu-ano pa. tapos ang hilig pang ngumatngat ng kahoy. eh napakaraming kahoy dito samin eh. ayun, ubos na yung mga varnished o painted plywood surfaces ng mga pinto't mga cabinet namin. ampangit tingnan. pero ganon eh.
pero isa pa lang sa sangkaterbang problema ko sa kanya yang pagnguya-nguya niyang yan. yung pinaka-kinaaasaran kong ugali niya ay yung paghiga sa ihi. mahilig kasi sa tubig ang labrador. water dogs talaga sila. kaya ayun, bawat may makitang ihi na 'di napunasan, hihigaan agad. kaya pumapangit yung exposed belly niya eh. sinabihan na ako ng vet tungkol dun, pero ang hirap kontrolin. sobra.
tapos yung isang problema pa, water related din. parang bumaha lagi sa kusina namin men. nilalaro kasi ni Eva yung lahat ng water bowls na nakikita niya. as in parang naglalaro ng dampa sa tubig gamit yung isa o pareho niyang front paws. ang cute tingnan, pero ang hassle linisin pagtapos. kasi at any given time, 3 water bowls yung nakalapag sa kusina namin eh. halos puno pa ng tubig lagi. parati kong sinasabihan yung mga katulong namin, pero medyo mabagal silang pumick-up at mag-adapt eh. kaya ayun, punas ako nang punas. hay.
pero at the end of it all, ok pa rin. pinili ko 'to eh. kahit di na ako nakakatulog, nakakalabas ng bahay o nakakaligo nang matiwasay ngayon dahil lagi kong iniisip kung ano naman na kayang kabalastugan yung ginagawa ni Eva habang may inaasikaso ako, steady freddie pa rin.
bekets say mo?
ang saya kaya mag-alaga ng aso. andaming blessings na later on mo lang marerealize na pinagkaloob sayo. at narealize ko na yan within just a few days shy of 3 weeks of us being together ah... ano pa kaya matututunan ko sa loob ng isang taon diba? ^_^
|
|
| navigation |
| [ |
viewing |
| |
most recent entries |
] |
|
|
|
|